
Tresmundo International Association, Inc.
TRESMUNDO
Ang Tresmundo ay may taglay na
Espiritwal na gumagabay na nagmula sa
Naglikha ng mundo ng may buhay,
Nilikha niya ang Araw, Hangin, Tubig at Lupa.
Ang Tresmundo ay ginagabayan ng AMA
Sa Espiritwal upang tulungan ang mga TAO hanggat buhay.
Ang Tresmundo ay pangatlo sa sinimulan
Ni Moises at Jesus, kami ang magpapatuloy
Upang tulungan ang mga taong may mga karamdaman,
Hindi lang sa karamdaman, pati sa pagpigil sa kung anumang
Sisira sa katauhan ng isang tao.
Mensahe ng AMA, ang naglikha sa mga
TAO upang gamitin ang Espiritwal niyang ibinaba sa Lupa.
Kilalanin ninyo ang AMA sa Espiritwal
Upang kayo ay kilalanin din niya
Para magawa ninyo, ang nagagawa ng mga kinilala
Niya dito sa mundo ng mga Tao, katulad ng Tresmundo.
Kapag tinggap ninyo ang AMA sa Espiritwal
sa Isip, sa puso at sa isang Katauhanang AMA ay makikita nyo sa
Pamamagitan ng Pagtingin sa Araw. Itoy magagawa nyo
Lang kung susundin nyo kung ano ang naaayon.
Kapag nagawa ninyo ito, tumawag kayo sa
Espiritwal ng HANGIN, TUBIG at anumang karamdaman na
Meron ka sa katawan, yan ay kanyang lilinisin ng kanyang
Espiritwal, mga bagay na kinakatakutan yan ay
Mawawala sa pamamagitan ng pagtitiwala sa AMA na lumikha
Anumang bagay na ginawa ng tao na mapaminsala
Yan ay kayang pigilin ng gabay mong espiritwal.
BUHAY NA SALITA SA ISANG PANIWALA
ANG AMA AT AKO AY IISA SA ESPIRITWAL,
IMORTAL.
For Inquiry
Call or Text: 0933 820 3583 Sun
Private Message to our Facebook Account @ https://www.facebook.com/mars.aloro.773
Welcome
Welcome po ang lahat na nagnanais maging isang TresMundo. Yan nga po ang aming misyon. Madala po sa Kaliwanagan ang lahat na naliligaw ng landas at maitama ang maling nakagisnan na turo ng relihiyon sa napakatagal ng panahon.
Ang bagay na aming ipinakikilala ay isang Kalikasang tinatawag sa Mundo ng mga tao, "LIKHA" at hindi ginawa. Ang lahat po na nagnanais sumali ay kailangan pong nagtataglay ng malinis na puso at tapat sa kapwa, para kayo ay Daluyan ng Espiritwal ng AMA na BUHAY.
At makakamit ninyo ang nais nyo sa inyung pagkatao. Ang hindi nyo nagagawa nuong hindi nyo pa kilala ito, ngayon ay magagawa nyo, at proprotektahan kayo habang buhay, kung siya lang ang kikilalanin nyo sa Espiritual. Paalala lang po duon sa iba, na tamang picture at address lang po ang inyong ilagay kung nais ninyong mapabilang sa amin. Maraming Salamat po.
Tresmundo
Ang mga TRESMUNDO, na pinapangalalagaan ng AMA Espiritwal Imortal, upang maitaguyod ang isang samahan na naniniwala sa AMA Espiritwal Imortal ang TRESMUNDO nagmula sa PILIPINAS hanggan sa ibat ibang bansa. BUHAY NA SALITA SA ISANG PANIWALA ay aming sandigan... Espiritwal na karunungan ng kalikasan na nagmula sa AMANG lumikha, ang mga TresMundo ay tumutulong sa mga taong lubos ang paniniwala at pagtanggap sa AMA at siya lang ang kikilalanin... anuman ang karamdaman o kapansanan na sisira sa iyong pagka tao mapa Pisikal man o Espiritwal kagaya ng masamang Elemento, mapa Kulam, Esorsismo at Maligno... ay lulunasan ng AMA sa pamamagitan ng TRESMUNDO... ang mga TresMundo ay hindi Albularyo o Antingero… Ito’y makabagong kaalaman ng espiritwal ng kalikasan na nagmula sa AMANG lumikha, ito’y aming gagampanan sa pamamagitan ng Espiritwal ng AMA... ng walang kapalit kundi ang kilalanin at tanggapin sa ISIPAN, DAMDAMIN at PUSO ang ating AMA na LUMIKHA... tumawag at magpasalamat sa AMA na lumikha ng langit at lupa at patotohanan ang inyong mararanasan at pagbabago sa inyong karamdaman, panindigan at AMA lang ang kikilalanin upang inyong karamdaman tuluyan ang kagalingan... kapag kayo ay nakalimot o binaliwala ang AMA at bumalik sa dati nyong paniniwalaan, lilisan muli ang AMA dahil iba ang inyong kinikilala at tinatawag, kusang babalik inyong karamdaman o kapansanan mapa Pisikal man o Espiritwal…
Opening Hours
Come Visit
Everyday: 9am - 6pm

General Information
Golden City Subd. Brgy. Dila, Sta Rosa City, Laguna
0933 820 3585
